Napaulat na tutol si Mayor Marcy Teodoro sa mas mahigpit na polisiya sa mga hindi bakunadong indibidwal nilinaw ng MMDA

Napaulat na tutol si Mayor Marcy Teodoro sa mas mahigpit na polisiya sa mga hindi bakunadong indibidwal nilinaw ng MMDA

Nagbigay paglilinaw ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) hinggil sa naunang lumabas na balita na isa sa mga alkalde sa Metro Manila ang tutol sa pagpapatupad ng mas mahigpit na alituntunin sa mga hindi bakunadong indibidwal.

Kasunod ito ng pagsasailalim sa National Capital Region sa Alert Level 3 dahil sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon sa inilabas na pahayag ng MMDA, isa sa mga staff ng Metro Manila Council Secretariat ang nagkamali nang iulat kay MMDA General Manager Romando Artes na isa sa mga Metro Manila mayor, partikular ang alkalde ng Marikina City ang hindi lumagda sa resolusyon ng council.

Bilang paglilinaw, sinabi ng MMDA na hindi lang agad lumagda sa resolusyon si Marikina Mayor Marcy Teodoro dahil nais niya pa itong masusing pag-aralan.

Inako ni Artes ang buong responsibilidad sa pangyayari.

Sinabi rin ng MMDA na ang kopya ng resolusyon na nakuha ng media kung saan walang lagda si Teodoro ay hindi nagmula sa official platforms ng MMDA.

Ibinahagi din ng MMDA sa kanilang Facebook ang kopya ng resolusyon kung saan makikitang lahat ng alkalde kabilang si Teodoro ay lumagda. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *