99 na tauhan ng MRT-3 na nagpositibo sa Antigen test sasailalim sa confirmatory test
Magsasagawa ng confirmatory RT-PCR Testing ang lahat ng tauhan ng MRT-3 na nagpositibo sa Antigen testing.
Isinailalim sa mandatory antigen testing ang lahat ng empleyado kabilang ang manggagawa ng ng kanilang maintenance provider at consultants bilang precautionary measure kasunod ng pagbabalik ng mga manggagawa mula sa agdiriwang ng holiday season.
Ang unang batch ng mga empleyado ay isinailalim sa antigen test noong Lunes, January 3.
Sa 696 na MRT-3 personnel na isinailalim sa test, 99 ang nagpositibo.
Inatasan nang mag-quarantine ang 99 na nagpositibo sa Antigen test at maging ang kanilang direct contacts.
Ngayong linggo magpapatuloy ang Antigen testing sa iba pang empleyado at isasagawa na rin ang confirmatory RT-PCR testing. (DDC)