BREAKING: DOH nakapagtala ng 5,434 na bagong kaso ng COVID-19
Nakapagtala ng 5,434 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Martes, Jan. 4 ay 2,861,119 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 2,779,706 ang gumaling o katumbas ng 97.2 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 611 na gumaling.
Sumampa na sa 29,809 ang aktibong kaso ng COVID-19 ng 1.0 percent.
Nasa 51,604 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.80 percent makaraang makapagtala ng 18 pang pumanaw. (DDC)