Payo ng DOH sa publiko kaugnay sa shortage ng paracetamol at iba pang gamot: Huwag mag-panic buying

Payo ng DOH sa publiko kaugnay sa shortage ng paracetamol at iba pang gamot: Huwag mag-panic buying

Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na huwag mag-hoard at iwasan ang panic-buying sa mga gamot.

Kasunod ito ng mga ulat na nagkakaroon na ng shortage sa suplay ng paracetamol at iba pang gamot panlaban sa trangkaso.

Ayon sa DOH, nakipag-ugnayan na sila sa mga major drugstore at local manufacturers hinggil sa status ng suplay ng mga gamot.

Tiniyak ng DOH sa publiko na bagaman tumaas ang demand sa mga gamot laban sa flu ay wala namang umiiral na shortage ng mga ito sa bansa.

Ang Paracetamol ayon sa DOH ay maraming alternatibong generic sa mga botika.

Tiniyak din ng ahensya na patuloy ang pag-monitor sa status ng suplay ng mga gamot. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *