BREAKING: DOH nakapagtala ng 4,084 na bagong kaso ng COVID-19
Nakapagtala ng 4,084 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Lunes, Jan. 3 ay 2,855,819 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 2,779,241 ang gumaling o katumbas ng 97.3 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 497 na gumaling.
Sumampa na sa 24,992 ang aktibong kaso ng COVID-19 ng 0.9 percent.
Nasa 51,586 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.81 percent makaraang makapagtala ng 16 pang pumanaw. (DDC)