Mahigit 500 piraso ng hindi lisensyadong paputok nakumpiska ng DTI
Nagsagawa ng crackdown ang Department of Trade and Industry – Consumer Protection Group (DTI-CPG) sa mga ibinebentang hindi lisensyadong paputok sa Bocaue, Bulacan.
Umabot sa 573 na piraso ng unlicensed fireworks na nagkakahalaga ng P26,340 ang nakumpiska sa operasyon.
Ayon kay DTI-CPG Undersecretary Atty. Ruth B. Castelo, ikinasa ang operasyon sa pakikipag-ugnayan sa DTI-Bulacan Provincial Office at Philippine National Police (PNP).
Nagsagawa ng surprise spot-checking activity sa mga tindahan ng paputok at pailaw sa Bocaue.
Layon nitong matiyak na ang mga produktong ibinebenta ay nakasusunod sa safety standards. (DDC)