Presidential Ship nagsilbi bilang floating hospital sa Siargao
Ginamit bilang floating hospital sa Siargao ang Presidential Ship na BRP Ang Pangulo (ACS25).
Sa nasabing barko ginagamot ang mga residente ng Siargao na nasugatan o nagkasakit matapos ang pananalasa ng Typhoon Odette.
Ang medical team ng Philippine Navy at Eastern Mindanao Command ng AFP ang nasa barko para tulungan ang mga residenteng apektado.
Ayon sa Philippine Navy, umabot na sa 36 na indibidwal ang nabigyan ng libreng medical consultations, mga gamot at supplements.
Mayroon ding dalawa na kinailangang i-admit pero na-discharge din naman kalaunan. (DDC)