Suplay ng kuryente sa buong Bohol, bahagi ng Cebu, Leyte at Samar hindi pa naibabalik – NGCP

Suplay ng kuryente sa buong Bohol, bahagi ng Cebu, Leyte at Samar hindi pa naibabalik – NGCP

Mayroon pang dalawampu’t dalawang linya ng kuryente ang hindi pa naisasaayos sa mga lugar na nasalanta ng Typhoon Odette.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), wala pa ring suplay ng kuryente sa buong lalawigan ng Bohol, bahagi ng Cebu, bahagi ng Leyte at bahagi ng Samar Islands.

Tiniyak ng NGCP na nagde-doble kayod na ang kanilang line crews para maibalik sa lalong madaling panahon ang suplauy ng kuryente.

Samantala, normal naman na ang suplay ng kuryente sa Aklan, Antique, Capiz, Iloilo, Guimaras, at Biliran.

Sa Mindanao, malaking bahagi ng mga lugar na naapektuhan ng bagyo ang normal na ang suplay ng kuryente.

Habang wala pa ring kuryente sa ilang bahagi ng Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan Del Norte, at Agusan del Sur. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *