Malakanyang pinag-iingat ang publiko sa fake news hinggil sa mandatory na pagbabakuna
Pinag-iingat ng Palasyo ng Malakanyang ang publiko sa mga pekeng impormasyon na ipinakakalat sa social media hinggil sa umano ay mandatory na pagpapabakuna.
Sa inilabas na impormasyon ng Office of the Presidential Spokesperson, sinabi nitong peke ang mga impormasyong ipinakakalat na mandatory na ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa lahat ng empleyado sa mga pampubliko at pribadong sektor.
Ayon sa Malakanyang, batay sa IATF Resolution No. 148-B, nakasaad na lahat ng establisyimento at mga employer ng public at private sector ay dapat i-require ang kanilang eligible employees na na ang trabaho ay “on-site” na magpabakuna kontra COVID-19.
Kung hindi magpapabakuna ang nasabing empleyado, hindi siya dapat alisin sa trabaho o i-terminate.
Gayunman, puwede siyang i-require na sumailalim sa regular na RT-PCR tests at dapat ay sarili niya itong gastos.
Sinabi din ng Palasyo na peke ang mga ipinakakalat na impormasyon na ang mga partially vaccinated na empleyado at nag-lapse na ang schedule para sa second dose ay kailangang sumailalim sa RT-PCR test kada dalawang lingo hangga’t hindi nagiging fully-vaccinated.
Paliwanag ng Malakanyang base sa IATF Resolution No. 149, lahat ng partially vaccinated na empleyado sa pribado at pampublikong sektor na naka-assign “in-site” ay hindi kailangang sumailalim sa regular na RT-PCR test, kung ang kanilang second dose ay hindi pa naman due base sa interval prescribed para sa brand ng bakuna ng kanilang unang dose. (DDC)