Number coding muling paiiralin sa Metro Manila

Number coding muling paiiralin sa Metro Manila

Muling ipatutupad ang number coding scheme sa Metro Manila ngayong linggo.

Pero ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ipatutupad lamang ang number coding tuwing rush hour.

Ayon kay MMDA chairman Benhur Abalos, nilagdaan na ng Metro Manila mayors ang resolusyon para sa pagbabalik ng number coding at kailangan lamang itong maisapubliko sa Official Gazette.

Sa sandaling pormal na maipatupad, paiiralin ang number coding tuwing Lunes hanggang Biyernes, mula alas 5:00 ng hapon hanggang alas 8:00 ng gabi.

Exempted naman sa number coding ang mga pampulikong sasakyan.

Ani Abalos ito ay dahil limitado pa rin ang mga public vehicle na bumibiyahe. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *