Pamahalaan hindi muna magpapatupad ng travel ban sa Hong Kong

Pamahalaan hindi muna magpapatupad ng travel ban sa Hong Kong

Hindi pa kasama ang Hong Kong sa listahan ng mga bansa na may pinaiiral na travel ban ang pamahalaan dahil sa Omicron variant ng COVID-19.

Nilinaw ng National Task Force Against COVID-19 na maari pa ring makapasok sa bansa ang mga biyahero na galing Hong Kong.

Hinihintay pa ng NTF ang pinal na desisyon ng Inter Agency Task Force hinggil dito.

Tiniyak ng NTF na ginagawa ng pamahalaan ang lahat para maiwasang makapasok sa bansa ang Omicron variant.

Sa ngayon ay suspendido na ang lahat ng flights mula South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini, at Mozambique. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *