Dagdag na P5B pondo para ipangtulong sa mga OFW aprubado na ayon sa DOLE

Dagdag na P5B pondo para ipangtulong sa mga OFW aprubado na ayon sa DOLE

Tinugunan na ng Palasyo ang kahilingan ng Department of Labor and Employment na madagdagan ang pondo para sa mga nagsisiuwing Overseas Filipino Worker (OFW) na apektado ng COVID-19 pandemic sa ibang bansa.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, limang bilyong piso ang inaprubahan ng Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagpapauwi at tulong sa mga OFW.

Sinabi rin ng kalihim na malaking bahagi ng limang bilyong piso ay ipamamahala sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na nangangasiwa sa repatriation ng OFWs na nawalan ng trabaho dahil sa lockdown at pagsasara naman ng ibang kumpanya sa ibayong dagat.

Bukod sa repatriation assistance, binabalikat din aniya ng OWWA ang bayad sa COVID tests ng mga OFW sa sandaling dumating sa bansa, pagkain at mga tutuluyang mga hotel habang hinihintay ang resulta ng COVID test at pagbiyahe sa kanilang mga lalawigan sa oras na magnegatibo sa virus.

Mula Mayo hanggang ngayon ay halos 130,000 na ang OFWs na napauwi ng ahensiya sa kanilang mga lalawigan na ang pinakahuling batch ay 1,185 nitong weekend.

Bukod sa OWWA assistance, nagbibigay din ang DOLE one-time o P10,000, katumbas ng $200 cash aid sa ilalim ng AKAP program sa mga OFW na apektado ng pandemic.

Sa pinakahuling rekord ng DOLE nitong Agosto 8, paubos na ang ₱2.5-B na AKAP fund dahil napamahagi na sa 233,000 land-based and sea-based workers na ginastusan ng ₱2.388.

Follow us on Twitter: https://twitter.com/NewsFlashPH

Like us on Facebook https://www.facebook.com/newsflashwebsite/

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *