China hindi na makikialam sa resupply missions ng Pilipinas sa Ayungin Shoal

China hindi na makikialam sa resupply missions ng Pilipinas sa Ayungin Shoal

Hindi na pakikialaman ng China ang resupply missions ng Pilipinas para sa mga sundalo na nakatalaga sa Ayungin Shoal.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, tiniyak ni Chinese ambassador to the Philippines Huang Xilian na hindi pakikilaman ng China ang resupply mission ng bansa.

Simula noong November 16, sinabi ni Lorenzana na madalas ang pakikinapag-ugnayan niya kay Huang.

Magugunitang dalawang Philippine boats ang binomba ng tubig at hinarangan ng Chinese coast guard vessels habang patungo sana sa Ayungin Shoal.

Sa pagpapatuloy ng resupply mission ngayong linggo sinabi ni Lorenzana na malalaman ng pamahalaan kung tutuparin ng China ang pangako nito. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *