Tropical Depression Ferdie inaasahang lalakas pa; Signal #1 nakataas sa Ilocos Sur at Ilocos Norte

Tropical Depression Ferdie inaasahang lalakas pa; Signal #1 nakataas sa Ilocos Sur at Ilocos Norte

Posibleng lumakas pa ang bagyong Ferdie at aabot sa tropical storm category ayon sa PAGASA.

Batay sa inilabas na weather bulletin ng PAGASA ang bagyo ay huling namataan sa layong 210 kilometers West Northwest ng Sinait, Ilocos Sur o sa layong 210 kilometers West ng Laoag City, Ilocos Norte.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-kanluran sa bilis na 20 kilometers bawat oras.

Nakataas ang tropical cyclone wind signal number 1 sa sumusunod na mga lugar:

  • Western portion ng Ilocos Norte (Badoc, Pinili, Currimao, Batac City, Paoay, San Nicolas, Laoag City, Pasuquin, Bacarra, Burgos)
  • Western portion ng Ilocos Sur (Magsingal, Santo Domingo, San Ildefonso, San Vicente, San Juan, Cabugao, Sinait, Santa Catalina)

Ayon sa PAGASA, ang bagyo ay inaasahang tatama sa Fujian Province sa southeastern China bukas ng umaga o tanghali.

Ngayong araw, ang pinagsamang epekto ng bagyong Ferdie at Habagat ay magdudulot ng maulang panahon sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Metro Manila, CALABARZON, at MIMAROPA.

Aasahan ang monsoon rains sa Ilocos Region, Abra, Benguet, Zambales, at Bataan, habang occasional rains ang mararanasan sa Batanes, Cagayan, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, at nalalabi pang bahagi ng Cordillera Administrative Region, at sa Central Luzon.

Babala ng PAGASA maaring magdulot ng pagbaha o landslides ang mararanasang malakas na buhos ng ulan.

Bukas ng umaga maaring nasa labas na ng bansa ang bagyo.

Samantala, mayroong isa pang bagyo na nasa labas ng bansa na binabantayan din ngayon ng PAGASA.

Ang bagyo ay huling namataan sa layong 2,580 kilometers East Northeast ng Extreme Northern Luzon.

Sa ngayon ay maliit pa ang tsansa na papasok ito ng bansa. (END)

Follow us on Twitter: https://twitter.com/NewsFlashPH

Like us on Facebook https://www.facebook.com/newsflashwebsite/

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *