Dalawang vintage bomb natagpuan sa San Nicolas Shoal sa Cavite
Ligtas na nakuha ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Cavite ang dalawang vintage bombs na natagpuan sa San Nicolas Shoal, Cavite habang may isinasagawang soil sampling operation doon.
Humingi ng tulong sa Coast Guard ang crew ng MV Vasco Da Gama para ipabatid na may natagpuan silang dalawang vintage bombs.
Agad iniutos ng Coast Guard na ihinto ang kanilang operasyon at lagyan ng kordon ang lugar.
Nag-deploy din ng team mula sa Coast Guard Special Operations Group Explosive Ordnance Disposal (EOD) na agad nagsagawa ng safety explosive handling procedure sa mga bomba.
Ligtas namang nakuha ng PCG ang dalawang vintage bomb. (DDC)