EUA para sa Covovax vaccine aprubado na ng FDA
Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization (EUA) para sa isa pang brand ng bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, aprubado na ng ahensya ang EUA para sa Covovax vaccine na gawa ng US-based biotechnology company na Novavax.
Ang Covovax ayon kay Domingo ay protein nanoparticle type ng bakuna at mayroong efficacy rate na 89.7%.
Ang Covovax ay ibinibigay ng dalawang doses na may pagitan ng 21-araw o higit pa.
Maari itong gamitin sa mga edad 18 pataas. (DDC)