Mahigit 3.5 million doses ng Sinovac COVID-19 vaccine dumating sa bansa
Dumating sa bansa ang karagdagang suplay ng mga bakuna kontra COVID-19.
Miyerkules ng umaga (Nob. 17) lumapag sa sa NAIA Terminal 2 ang eroplanong lulan ang 3,530,400 doses ng Sinovac COVID-19 vaccine na binili ng pamahalaan sa China.
Maituturing itong “biggest single shipment” ng mga bakunang dumating sa bansa.
Ayon kay vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr., mahigit 54 million doses na ng Sinovac COVID-19 vaccine ang dumating sa bansa.
Kabilang na diro ang dalawang milyong doses na donasyon ng Chinese government.
Sumalubong din sa mga bagong dating na bakuna si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.
Binati ni Huang ang gobyerno ng Pilipinas dahil sa pagbaba na ng kaso ng COVID-19. (DDC)