Yellow warning itinaas ng PAGASA sa Bataan at ilang bahagi ng Zambales

Yellow warning itinaas ng PAGASA sa Bataan at ilang bahagi ng Zambales

Nagtaas ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa lalawigan ng Bataan at sa ilang bahagi ng Zambales.

Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA, alas 2:00 ng hapon ngayong Linggo, August 9 ay yellow warning na ang nakataas sa mga bayan ng San Felipe, San Marcelino, San Antonio, San Narciso, Castillejos, Subic at Olongapo sa Zambales; gayundin sa lalawigan ng Bataan.

Ito ay bunsod ng nararanasang patuloy at malakas na pag-ulan na dulot ng habagat.

Mahina hanggang katamtamang pag-ulan naman ang nararanasan sa Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, at sa nalalabing bahagi ng Zambales.

Pinapayuhan ang mga naninirahan sa mababang lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha.

Maari ding makaranas ng landslides sa bulubunduking lugar. (END)

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *