Pag-alis sa polisiya ng paggamit ng face shield irerekomenda ng Metro Mayors sa IATF

Pag-alis sa polisiya ng paggamit ng face shield irerekomenda ng Metro Mayors sa IATF

Irerekomenda ng mga Metro Manila Mayors sa recommend to the Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases na bawiin na ang polisiya sa pagpapagamit ng face shields.

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, maaring gamitin na lamang ang face shields sa mga ospital, health centers, at habang nakasakay sa mga public utility vehicles.

Sinabi ni Abalos na nakatakdang isumite ng Metro Mayors sa IATF na ihinto na ang pagpapatupad ng mandatory wearing of face shields.

Ani Abalos, mayorya sa mga eligible population sa Metro Manila ay fully vaccinated at ang average daily attack rate gayundin ang COVID-19 cases ay patuloy sa pagbaba.

Kung maaaprubahan ng IATF ay hindi na kakailanganin ang face shield sa loob ng mga mall.

Inumpisahan ang mandatory na pagsusuot ng face shields sa mga pampublikong lugar sa bansa simula pa noong December 2020. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *