“No Vax, No Subsidy” policy ng DILG hindi katanggap-tanggap ayon kay Sen Drilon
Hindi pabor ang dalawang minority senators sa polisiya ng Department of Interior and Local Government (DILG) na ‘no vax, no subsidy’.
Tinawag ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang polisiya na hindi katanggap tanggap, hindi makatao, at para lang sa matigas ang puso.
Iginiit ng senador na dapat bawiin ng DILG ang panukala kasabay ng panawagan niya sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na protektahan ang kapakanan ng 4Ps beneficiaries.
Binigyang-diin naman ni Sen. Risa Hontiveros na hindi makatutulong sa taumbayan ang panukala at sa halip ay dagdag pahirap lamang.
Ipinaalala pa ng mambabatas na hindi nababago ang mga kondisyon sa ilalim ng Republic Act 11310 o 4Ps Law kaya’t hindi ito maaaring basta na lamang dagdagan. (Dang Garcia)