Bilang ng mga Pinoy na nasugatan sa pagsabog sa Beirut, Lebanon umakyat na sa 42

Bilang ng mga Pinoy na nasugatan sa pagsabog sa Beirut, Lebanon umakyat na sa 42

Umakyat na sa 42 ang bilang ng mga nasugatan na Pinoy sa pagsabog na naganap sa Beirut, Lebanon.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, nadagdagan ang bilang ng mga nasugatan base sa datos ng Philippine Embassy sa Beirut.

Patuloy pa rin ang ginagawang clearing operations sa lugar na pinangyarihan ng pagsabog.

Nananatili naman sa apat ang bilang ng mga nasawi.

Habang dalawang Pinoy na ang nawawala.

“By day’s end yesterday, the number of injured OFWs stands at 42, an increase of eleven from the previous report. We were also alerted that another Filipino was reported missing, increasing the number to two. The number of Filipino fatalities, meanwhile, remains at four,” reported Undersecretary Sarah Lou Y. Arriola.

Mayroon nang chartered repatriation flight ang DFA na mag-uuwi sa mga Pinoy na nasa Lebanon.

Nakatakdang umalis ang flight sa August 16.

Kasabay ding iuuwi ang mga labi ng mga pumanaw sa pagsabog.

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *