57 mangingisda huli sa illegal fishing sa Palawan
Huli ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Puerto Princesa isang commercial fishing boat at dalawang maliit na bangka lulan ang 57 mangingsda sa karagatang sakop ng Aborlan, Palawan.
Nagtungo sa lugar ang joint maritime law enforcement team matapos makatanggap ng intelligence report sa nagaganap na illegal fishing.
Nadatnan ang mga mangingisda na gumagamit ng improvised air compressors na paglabag sa Republic Act (RA) 10654 o Philippine Fisheries Code of 1998 na nagbabawal sa nasabing gamit dahil nakakahuli din ito ng maliliit na isda.
Nagpalabas ang team ng Enforcement Inspection Apprehension Report (EIAR) at Certificate of Orderly Inspection (COI).
Dinala sa Barangay Apurawan, Aborlan, Palawan ang mga bangka at mga isdang kanilang nahuli.
Nasa kostodiya naman ng Command Out Post (COP) Apurawan ang mga mangingisda. DDC