LOOK: Giant ‘bayawak’ nahuli sa BF Homes sa Paranaque

LOOK: Giant ‘bayawak’ nahuli sa BF Homes sa Paranaque

Nahuli ng mga residente sa BF Homes, Paranaque City ang isang giant na Marbled Water Monitor Lizard o ‘bayawak’.

Ang bayawak na mayroong habang 5 feet ay natagpuan sa garahe ng isang residente sa BF Homes.

Ligtas namang na-retrieve ng mga tauhan ng Department of Natural Resources – National Capital Region ang bayawak para madala ito sa Wildlife Rescue Center sa Quezon City.

Ayon sa DENR, ang ganitong uri ng bayawak ay “second largest” sa buong muindo at itinuturing na endemic sa Pilipinas.

Itinuturing din itong “vulnerable” na sa ilalim ng DENR Administrative Order No. 2004-15 abilang ang tatlong iba pang uri ng monitor lizards.

Sa ilalim ng Section 28 ng Republic Act No. 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001 ang pagpatay sa “vulnerable” wildlife species ay may parusang pagkakakulong na 2 hanggang 4 years na pagkakakulong o multa nan P30,000 hanggang P300,000.

Kung sasaktan naman ang isang vulnerable species maaring makulong ng 1 hanggang 2 taon o magmulta P20,000 P200,000.

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *