LPA sa Eastern Samar magpapaulan sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas

LPA sa Eastern Samar magpapaulan sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas

Makararanas ng pag-ulan ang malaking bahagi ng Luzon at Visayas dahil sa binabantayang Low Pressure Area ng PAGASA sa bahagi ng Eastern Samar.

Huling namataan ang LPA sa layong 580 kilometers East ng Borongan City.

Dahil sa pinagsamang epekto ng LPA at Shear Line, makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Albay, Sorsogon, Catanduanes, Masbate, Palawan, Northern Samar, Samar, at Eastern Samar.

Bahagyang maulap na papawirin naman na may isolated na pag-ulan ang mararanasan sa Mindanao at nalalabing bahagi ng Visayas.

Habang isolated na mahihinang pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng Luzon dahil sa Northeast Monsoon o Amihan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *