MTRCB iniutos ang pag-pull out sa episodes ng Netflix series na ‘Pine Gap’ na nagpapakita ng nine-dash line ng China
Inatasan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang Netflix na i-pull out ang episodes ng Political Drama na ‘Pine Gap’ na nagpapakita ng Nine-Dash Line ng China.
Kasunod ito ng reklamong inihain ng Department of Foreign Affairs (DFA) at paghiling da MTRCB na masusing i-review ang nasabing serye.
Ayon sa DFA nagpasya ang MTRCB na ang ilang episodes ng ‘Pine Gap’ ay “unfit for public exhibition.”
Agad inatasan ang Netflix na ipull-out ang mga episodes partikular ang may mga eksena na ipinakikita ang nine-dash line ng China.
Ayon sa MTRCB ang portrayal ng illegal nine-dash line sa Pine Gap series ay hindi aksidente s kundinsadyang idinisenyo at inilagay sa episode upang i-convey ang mensahe na lehitimo at nag-e-exist ang nine-dash line ng China.
Malinaw umanong ang paggamit sa motion picture ay taktika ng China upang makalamang sa territorial conflict sa South China Sea/West Philippine Sea.
Umaasa ang DFA na agad magco-comply ang Netflix sa utos ng MTRCB
Ang ‘Pine Gap’ ay isang Australian Television series na unang ipinalabas sa ABC noong 2018. (DDC)