Number Coding suspendido pa rin ngayong buwan ng Nobyembre – MMDA

Number Coding suspendido pa rin ngayong buwan ng Nobyembre – MMDA

Mananatiling suspendido ang pag-iral ng number coding sa Metro Manila na nakasailalim pa rin sa Alert Level 3.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sa pagpasok ng buwan ng Nobyembre ay mananatiling suspendido ang pag-iral ng Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP),

Paalala ng MMDA sa publiko, patuloy na sundin ang mga alituntunin ng pamahalaan habang pinapairal ang Alert Level 3 quarantine classification.

Kahit saan magpunta, ay palaging sumunod sa public health protocols upang mapangalagaan ang sarili, pamilya, at ang komunidad laban sa COVID-19. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *