Terrorist leader na si Salahuddin Hassan nasawi sa operasyon ng militar
Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nasawi sa operasyon ng mga sundalo ang terrorist leader na si Salahuddin Hassan.
Si Hassan ang leader ng Daulah Islamiyah – Hassan Group na nasa likod ng serye ng pambobomba at terror attacks sa Maguindanao, North Cotabato at Sultan Kudarat.
Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Jose Faustino, na-recover ang bangkay ni Hassan at asawa nito na si Jehana Minbida sa Barangay Damablac, Talayan, Maguindanao.
Ayon sa pahayag ng AFP, nakuha din sa lugar ang R4 rifle, bandolier at long magazines na may mga bala. (DDC)