Amihan mas lumakas pa, apektado na ang Northern at Central Luzon

Amihan mas lumakas pa, apektado na ang Northern at Central Luzon

Apektado na ng Amihan o Northeast Monsoon ang Northern at Central Monsoon.

Sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw, October 27, ang Amihan ay magdudulot ng maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan sa Aurora at Quezon.

Bahagyang maulap na papawirin naman na may isolated na pag-ulan ang mararanasan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, at sa nalalabing bahagi ng Central Luzon dahil pa rin sa Amihan.

Habang sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa, bahagyang maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan ang mararanasan dahil sa localized thunderstorms.

Samantala, dalawang aktibong bagyo pa rin sa labas ng bansa ang patuloy na binabantayan ng PAGASA.

Ang isang tropical depression ay huling namataan sa layong 445 kilometers west ng northwest ng Kalayaan Islands sa Palawan.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras.

Mabagal ang kilos ng bagyo sa direksyong pa-kanluran.

Samantala, ang Severe Tropical Storm na may international name na “Malou” ay huling namataan sa layong 1,800 kilometers east ng extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 100 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 125 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-hilaga sa bilis na 20 kilometers bawat oras.

Nananatiling maliit ang tsansa na papasok sa bansa ang dalawang bagyo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *