Coast Guard at DENR nagsagawa ng operasyon sa mga ilegal na fish cages at ‘baklad’ sa Cavite

Coast Guard at DENR nagsagawa ng operasyon sa mga ilegal na fish cages at ‘baklad’ sa Cavite

Nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) katuwang ang mga kinatawan mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga ilegal na fish cages o ‘safra’ at stationary fish traps o ‘baklad’ sa Cavite City.

Sa nasabing operasyon, inatasan ang mga may-ari ng 21 ilegal na ‘safra’ na magsagawa ng self-dismantling.

Sinabi ng Coast Guard at DENR na agad magsasagawa ng follow-up operation para wasakin ang mga fish cages kung mabibigo ang mga may-ari nito na tumugon sa kautusan.

Patuloy ang pagtatalaga ng mga tauhan ng PCG sa pakikipagtulungan sa DENR at LGU ng Cavite City upang i-monitor ang ang mga ilegal na ‘safra’ at ‘baklad’. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *