Bagong tren para sa LRT-1 dumating sa bansa
Dumating na sa bansa ang bagong train set na gagamitin para sa LRT line 1.
Ito na ang ika-labingdalawang brand new na 4th Generation trains ng LRT-1 na dumating sa bansa.
Ang bagong dating na tren ay nasa LRMC Baclaran Depot sa Pasay.
Ayon sa Light Rail Manila Corporation (LRMC), 30 train sets o katumbas ng 120 na bagon galing sa Spain at sa Mexico ang naka-schedule na dumating sa bansa hanggang sa June 2022.
Gagamitin ito para sa kasalukuyang LRT-1 system at sa Cavite Extension project.
Ang bawat Gen-4 train set ay mayroong 4 Light Rail Vehicles (LRVs) na may kabuuang kapasidad na 1,300 na pasahero.
Ang mga bagong train set ay mayroong digital system at special areas para sa wheelchairs. (DDC)