Pag-iral ng Amihan nagsimula na ayon sa PAGASA
Asahan na ang mas malamig na panahon sa mga susunod na araw.
Ayon kasi sa PAGASA, opisyal nang nagsimula ang Amihan Season o pag-iral ng Northeast Monsoon sa bansa.
Sa inilabas na pahayag ngn PAGASA sa nakaliipas na ilang araw, umiral ang strong to gale-force northeasterly winds sa Northern Luzon dahil sa paglakas ng high-pressure system sa Siberia.
Naobserbahan din ang paglamig ng surface air temperature sa northeastern part ng Luzon.
Ayon sa PAGASA ang meteorological conditions na ito ay indikasyon ng pormal na pagsisimula ng Northeast (NE) Monsoon (Amihan) season sa bansa.
Sa mga susunod na buwan ayon sa PAGASA aasahan ang mas malamig na temperatura.
Samantala, kasabay ng pag-iral ng Amihan ay nakararanas din ng La Nina ang bansa.
Dahil dito, sinabi ng PAGASA na maaring makaranas ng northeast monsoon rainfall na maaring makapagdulot ng pagbaha o landslides. (DDC)