Mahigit 500 na bagong FFU sleepers naikabit na sa MRT-3 depot

Mahigit 500 na bagong FFU sleepers naikabit na sa MRT-3 depot

Naikabit na ng pamunuan ng MRT-3 ang 573 na piraso ng bagong fiber-reinforced foamed urethane (FFU) sleepers sa MRT depot.

Ginagamit ang mga ito bilang pangsuporta sa mga bahagi ng tracks na may kailangan nito.

Pinalitan ng bagong FFU sleepers ang mga luma nang wooden sleepers sa depot tracks, na nagiging sanhi noon ng sobrang matagtag na biyahe ng mga tren.

Ang mga FFU sleepers, na ginagamit pangsuporta ng mga switches, turnouts, at crossings, ay gawa sa synthetic material, kaya’t mas matagal ang lifespan at less prone din sa weathering.

Matatandaang nakumpleto na rin ng pamunuan ang rehabilitasyon ng main line tracks noong nakaraang Holy Week maintenance shutdown, matapos mapalitan ang mga natitirang turnout sa linya.

Sa pagkakakompleto ng FFU sleepers installation sa depot tracks, mas matitiyak ang swabeng operasyon ng mga tren mula main line hanggang depot. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *