Baybaying dagat sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao positibo sa red tide toxins

Baybaying dagat sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao positibo sa red tide toxins

Positibo sa nakalalasong red tide ang mga baybaying dagat sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Sa inilabas na abiso ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), lagpas sa regulatory limit ang nakiatang paralytic shellfish poison o nakalalasong red tide sa ilang mga baybayin sa bansa.

Dahil dito pinapayuhan ng BFAR ang mga residente sa sumusunod na mga lugar na iwasan ang pagkain ng lahat ng uri ng shellfish at alamang;

– coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol
– Carigara Bay at coastal waters ng Leyte
Matarinao Bay sa Eastern Samar
– Villareal, Cambatutay, at San Pedro Bay sa Western Samar
– Lianga Bay sa Surigao del Sur
– Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur

Ayon sa BFAR ligtas naman para sa human consumption ang mga isda, pusit, hipon, at alimango.

Basta’t sariwa ito, mahuhugasan ng mabuti at matatanggalan ng internal organs at intestines bago iluto. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *