Pilipinas nominado para sa limang kategorya sa World Travel Awards

Pilipinas nominado para sa limang kategorya sa World Travel Awards

Nominado ang Pilipinas sa limang iba’t ibang kategorya sa 28th World Travel Awards.

Ayon sa Department of Tourism (DOT) kabilang dito ang limang sumusunod na kategorya:

– World’s Leading Beach Destination 2021 (Panglao, Bohol)
– World’s Leading Dive Destination 2021 (Tubbataha Reefs Natural Park, Palawan)
– World’s Leading Island Destination 2021 (Siargao Island)
– World’s Leading Tourist Attraction 2021 (Intramuros)
– World’s Leading Tourist Board 2021

Hinikayat ng DOT ang publiko na bumoto sa pamamagitan ng pag-register sa http://www.worldtravelawards.com/vote

Mayroong hanggang alas 12:00 ng hatinggabi ng October 25 para makaboto.

Una nang nanalo ang Pilipinas sa dalawang kategorya sa Asya, ang Asia’s Leading Beach Destination 2021 at Asia’s Leading Diving Destination 2021. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *