Rubber shoes na libreng ipinamamahagi sa mga mag-aaral sa Makati, ibinebenta sa Saudi Arabia
Ibinebenta sa isang mall sa Saudi Arabia ang rubber shoes na libreng ipinamamahagi sa mga estudyante sa Makati City.
Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, nakarating sa kanila ang impormasyon na mayroong mall sa Makati na nagbebenta ng rubber shoes na katulad ng AB3.0.
Ayon sa pahayag ni Mayor Abby Binay walang kinalaman ang Pamahalaang Lungsod at ang Department of Education – Makati sa pagbebenta ng nasabing sapatos.
Nakikipag-ugnayan na ang Pamahalaang lungsod sa manufacturers at suppliers ng sapatos para maimbestigahan ang insidente.
Nagbabala din ang Makati City LGU sa mga indibidwal o grupo na maari silang maharap sa reklamo dahil sa hindi otorisadong paggamit ng Makati City seal.
Ang asul na rubber shoes na AB 3.0 ay ipinamamahagi ng libre sa mga estudyante sa mga pampublikong paaralan sa Makati partikular noong panahon na mayroon pang face-to-face classes.
Sa Facebook post ng netizen na si Glenn Maglacion Arguelles Morfe na nasa Riyadh, Saudi Arabia, ibinahagi nito ang larawan ng mga rubber shoes na ibinebenta sa isang mall sa Saudi. (DDC)