Mahigit 22.6M mag-aaral nakapag-enroll na para sa SY 2020-2021
Umabot na sa mahigit 22.6 million na mga mag-aaral ang nakapg-enroll na para sa SY 2020-2021.
Sa datos mula sa Department of Education (DepEd) sa 22,693,496 na mga mag-aaral na nakapag-enroll na, 21,184,570 ang nagpatala sa mga pampublikong paaralan.
1.47 million naman ang nagpa-enroll sa private schools.
Sa Malaking bilang ng enrollees ay sa elementarya na umabot sa 11,103,340.
May nagpa-enroll din na 7,141,356 para sa junior high school habang 2,488,921 sa senior high school.
Madaragdagan pa ang bilang ng enrollees dahil patuloy pa ang enrollment sa ilang pribadong paaralan.