Roger Marcado pormal nang nanungkulan bilang bagong kalihim ng DPWH
Pormal nang nanungkulan sa pwesto si bagong Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Roger Mercado.
Nagsagawa ng turnover ceremony sa pagitan ni dating Secretary Mark A. Villar at Mercado sa DPWH Central Office, Bonifacio Drive, Port Area, Manila.
Si Mercado ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte para pumalit kay Villar sa pwesto.
Tatakbo kasing senador si Villar sa 2022 elections.
Si Mercado ang ika-44 na kalihim ng DPWH.
Sa kaniyang pahayag tiniyak ni Mercado na ipagpapatuloy ang mga nasimulan na sa kagarawan partikular ang mga high-impact projects na makapagbebenepisyo sa mamamayan. (DDC)