Mahigit 7,000 na bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH; pinakamababa simula noong August 3

Mahigit 7,000 na bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH; pinakamababa simula noong August 3

Nakapagtala ng mahigit 7,000 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Miyerkules, Oct. 13, ay 2,690,455 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa magdamag, umabot sa 7,181 ang dagdag na mga kaso.

Pinakamababang bagong kaso ito simula noong August 3.

Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 2,567,975 ang gumaling o katumbas ng 95.4 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 6,889 na gumaling.

82,411 naman ang active cases o katumbas ng 3.1 percent.

Nasa 40,069 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.49 percent makaraang makapagtala ng 173 pang pumanaw. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *