Noli de Castro nag-withdraw ng kaniyang kandidatura sa pagka-senador

Noli de Castro nag-withdraw ng kaniyang kandidatura sa pagka-senador

Binawi ng beteranong brodkaster na si Noli de Castro ang kaniyang kandidatura sa pagka-senador.

Sa kaniyang pahayag, sinabi ni De Castro na nagkaroon ng pagbabago sa kaniyang plano.

Si De Castro ay naghain ng kaniyang kandidatura sa pagka-senador noong October 8 sa ilalim ng partidong Aksyon Demokratiko ni Manila Mayor Isko Moreno.

Namaalam na din ito sa kaniyang programa sa ABS-CBN na TV Patrol.

Nagpasalamat naman si De Castro kay Moreno sa pagtanggap sa kaniya nito sa partido.

Pero ayon kay De Castro, nagdasal siya sa Poong Nazareno at napag-isip isip niya na mas makatutulong siya sa sambayanan kapag ipinagpatuloy niya ang kaniyang career bilang newsman.

Kinumpirma din ito ng kaniyang anak na si Kat De Castro.

Sa Facebook post sinabi ni De Castro na “Yes it’s true. For now, I’d like my Dad to rest for awhile. Thank you to all those who expressed their support”.

(DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *