Red rainfall warning itinaas ng PAGASA sa ilang bahagi ng Palawan
Nakararanas ng malakas at patuloy na buhos ng ulan sa ilang bahagi ng Palawan.
Sa inilabas na heavy rainfall warning ng PAGASA alas 9:00 ng umaga ngayong Lunes, October 11 nakataas na ang red warning level sa sumusunod na mga lugar sa Palawan:
– Kalayaan Islands
– Balabac
– Bataraza
– Rizal
– Brooke’s Point
– Sofronio Espanola
– Quezon
– Narra
– Aborlan
Babala ng PAGASA maari nang makaranas ng pagbaha sa mabababang lugar at landslides sa bulubunduking lugar. (DDC)