Bayabas, Surigao Del Sur niyanig ng magnitude 4.8 na lindol
Tumama ang magnitude 4.8 na lindol sa lalawigan ng Surigao del Sur.
Ang pagyanig ay naitala sa layong 11 kilometers southwest ng bayan ng Bayabas, alas 9:30 ng umaga ng Miyerkules (Aug. 5).
Ayon sa Phivolcs, 50 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin nito.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity III – Cagwait, Carmen, and San Miguel, Surigao del Sur
Intensity II – Cantilan and Marihatag, Surigao del Sur
Wala namang naitalang pinsala at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng aftershocks. (END)