VP Leni Robredo tatakbong presidente sa 2022 elections

VP Leni Robredo tatakbong presidente sa 2022 elections

Pormal nang nag-anunsyo ng kaniyang presidential bid si Vice President Leni Robredo.

Sa kaniyang opisyal na pahayag, sinabi ni Robredo na sa simula, hindi niya talaga ninais ang sumabak sa presidential elections.

Inisip din niyang bumalik na lamang sa probinsya at tumulong sa mga pagbabag doon.

Sinabi rin ni Robredo na nagpahayag siya ng kahandaan na magbigay-daan at tumulong na lamang.

Ani Robredo sa mga nagdaang araw na siya ay nag-isip isip, alam niyang kinabukasan ng mga Pilipino ang pinag-uusapan at nakasalalay.

Pinipilahan aniya ang mga ospital, dumadaing ang mga healthworkers at marami ang nagugutom at nawawalan ng trabaho.

Habang bilyon-bilyong piso ang napupunta sa mga kwestyunableng kontrata.

Binanggit ni Robredo ang kawalan ng maayos na pamamahala ang ugat ng mga problema sa bansa at kailangan na itong wakasan.

Para makalaya aniya sa ganitong sitwasyon, hindi lamang apelyido ng mga nasa poder ang dapat palitan, kundi ang mismong korapsyon, incompetence, at kawalang malasakit.

Sinabi ni Robredo na buo na ngayon ang kaniyag loob, ihahain niya ang kaniyang sarili para kumandidato sa pagka-pangulo.

Sa kasagsagan ng speech ni Robredo nag-tren sa Twitter ang hashtag na #LabanLeni2022

“Buong-buo ang loob ko ngayon: Kailangan nating palayain ang sarili mula sa kasalukuyang situwasyon. Lalaban ako; lalaban tayo. Inihahain ko ang aking sarili bilang kandidato sa pagkapangulo sa halalan ng 2022,” ayon kay VP Leni Robredo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *