P5.7M na halaga ng shabu nakumpiska sa pitong suspek sa Maynila

P5.7M na halaga ng shabu nakumpiska sa pitong suspek sa Maynila

Aabot sa halos 5.7 million pesos na halaga ng shabu ang nakumpiska sa magkahiwalay na operasyon sa Maynila.

Unang ikinasa ng mga tauhan ng Manila Police District Station Drug Enforcement Unit (MPD-SDEU) ang buy-bust operation sa San Miguel kung saan nakumpiska ang 735 grams ng shabu na aabot sa P4.9 million mula sa suspek na si Nasfira Abdulla.

Samantala, nakumpiska naman ang halos 100 grams ng shabu na P680,000 ang halaga mula sa anim na suspek sa Tondo.

Iprinisinta kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ni MPD district director PBGen. Leo Francisco ang pitong suspek.

Nagpasalamat si Moreno sa MPD sa patuloy na kampanya kontra ilegal na droga sa gitna ng nararanasang pandemya.

Ang pito ay sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *