Pamahalaan magpapa-raffle para sa mga bakunadong mamamayan
Magpapa-raffle ang pamahalaan para sa mga bakunadong mamamayan.
Inilunsad ng Department of Health (DOH) at ng National Task Force Against COVID19 ang “Resbakuna Bakunado Panalo” program na layong mahikayat ang mas nakararami pa para magpabakuna kontra COVID19.
Ayon sa NTF at DOH, P3 milyon ang ilalaan na halaga para sa pa-premyo.
Simula October hanggang December ay magsasagawa ng monthly raffle draw.
Para makasali kailangang magparehistro. I-text ang RESBAKUNAREG <space> NAME/AGE/ADDRESS, at i-send sa 8933.
Kailangan ding itext ang: RESBAKUNA <space> first letter of vaccine brand/how many doses/local government unit/date of vaccination, at i-send sa 8933.
Ang mga nakatanggap ng first dose ay mayroon nang isang entry at dalawang entry naman kapag fully-vaccinated.
Ayon pa sa NTF ang mga senior citizen na fully-vaccinated ay mayroong apat na entry.
Ang mga entry ay ilalagay sa “Bakunado Panalo” database na pangangasiwaan ng DOH at Philippine Amusement and Gaming Corporation.