Facebook, Instagram at WhatsApp nakaranas ng outage
Naibalik na ang serbisyo ng Facebook matapos makaranas ng mahigit anim na oras na outage.
Madaming users ang hindi nagamit ng Facebook at messenger sa iba’t ibang panig ng mundo.
Nag-trending din sa twitter ang hashtag na #facebookdown.
Maliban sa Facebook marami ding users sa ibat ibang panig ng mundo ang nakaranas ng problema sa paggamit ng Instagram at Whatsapp.
Sa rekord ng downdetector, kumpirmadong simula kaninang madaling araw ay may outage ang Facebook sa Pilipinas.
Humingi naman ng paumanhin si Mark Zuckerberg, founder at CEO ng Facebook dahil sa nangyari.
Ayon kay Zuckerberg, batid niyang marami ang umaasa sa serbisyo ng nasabing mga social media platform at kung gaano kahalaga na manatili silang kunektado dito.
Facebook, Instagram, WhatsApp and Messenger are coming back online now. Sorry for the disruption today — I know how much you rely on our services to stay connected with the people you care about.
Wala pa namang pahayag o paliwanag ang Facebook kung ano ang rason ng naranasang outage. (DDC)