Bente pesos na banknote o paper bill pwede pa ring ipambayad ayon sa Malakanyang at BSP

Bente pesos na banknote o paper bill pwede pa ring ipambayad ayon sa Malakanyang at BSP

Nananatiling legal tender ang bente pesos na banknote o paper bill.

Pahayag ito ng Palasyo ng Malakanyang dahil sa kumakalat na mga fake news na nagsasabing hindi na tatanggapin ang bente pesos na paper bill.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, walang polisiya ang Bangko Sentral ng Pilipinas na nagsasabing hindi na kikilalanin ang bente pesos na papel.

Una nang naglabas ng abiso sa publiko ang BSP na ang 20 peso bill ay nananatiling legal tender at pwedeng gamitin sa day-to-day transactions.

Sinabi ng BSP na unti-unti lamang na mawawala na sa sirkulasyon ang bente pesos na papel bunsod ng paglalabas ng bagyong 20-Peso coins.

Inabisuhan din ng BSP ang lahat ng mga bangko sa bansa na ipromote ang distribusyon ng 20-Peso coins.

Ang 20-Peso coins ay inilabas ng BSP noong December 17, 2019.  (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *