79 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas
Nakapagtala ng dagdag na 79 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Sa inilabas na datos ng Eastern Visayas – Center for Health and Development araw ng Martes – September 28, sumampa na sa 47,571 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 1,668 ang active cases at 45,391 naman ang gumaling.
512 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw, makaraang makapagtala ng apat pang nasawi.
Ang 79 na bagong kaso na nadagdag at mula sa sumusunod na mga lalawigan at lungsod:
Samar (26)
Leyte (19)
Ormoc City (14)
Southern Leyte (11)
Tacloban City (8)
Northern Samar (1)
Nasa “high” ang average daily attack rate sa Leyte, Southern Leyte, at Biliran.
Habang nasa “medium” naman ang ang average daily attack rate sa Tacloban City, Ormoc City, Samar at Northern Samar at Eastern Samar. (DDC)