Opisyal ng Pharmally hindi na ma-contact matapos ang kontrobersyal na testimonya sa senado
Hindi na matawagan ang isang opisyal ng Pharmally Pharmaceuticals Corp. matapos ang kontrobersyal na mga pahayag niya sa nagdaang pagdinig ng senado.
Ayon kay Senator Richard Gordon, hindi na matawagan ng Senate Blue Ribbon Committee si Krizle Mago.
Una nang inalok ng koimte ng proteksyon ng senado si Mago.
Una nang umamin si Mago na niloko ng kompanyang Pharmally ang taumbayan matapos na palitan ang expiration dates ng face masks at face shields na sinuplay sa pamahalaan.
Dahil nag-aalala ang senado sa kaligtasan ni Mago ay inalok nila ito na bibigya ng proteksyon.
Pero matapos na ilang beses na tawagan ng Senate Sergeant-at-Arms ay hindi na siya matawagan. (DDC)