301 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas
Nakapagtala ng dagdag na 301 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Sa inilabas na datos ng Eastern Visayas – Center for Health and Development araw ng Biyernes – September 24, sumampa na sa 47,029 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 2,325 ang active cases at 44,207 naman ang gumaling.
497 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.
Ang 301 na bagong kaso na nadagdag at mula sa sumusunod na mga lalawigan at lungsod:
Leyte (160)
Ormoc City (37)
Samar (33)
Southern Leyte (27)
Tacloban City (21)
Northern Samar (17)
Eastern Samar (3)
Biliran (3)
Pawang nasa “high” ang average daily attack rate sa Leyte, Southern Leyte at Biliran.
Habang nasa “medium” naman ang ang average daily attack rate sa Tacloban City, Ormoc City, Samar at Northern Samar. (DDC)