Paalala ng DFA sa mga mamamayan: Huwag magpumilit bumiyahe patungong Afghanistan

Paalala ng DFA sa mga mamamayan: Huwag magpumilit bumiyahe patungong Afghanistan

Umapela ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Filipino na huwag nang magpumilit na bumiyahe patungong Afghanistan.

Ayon sa DFA, patuloy ang pagbabantay ng pamahalaan sa sitwasyon sa nasabing bansa.

Karamihan sa mga Pinoy sa Afghanistan ay nailikas na ng gobyerno simula nang itaas ang Alert Level 4 noong August 2021.

Paalala ng DFA sa lahat ng mamamayan, iwasan ang bumiyahe sa Afghanistan anuman ang dahilan ng pagtungo nila doon.

Ayon sa DFA, nananatiling critically unstable ang sitwasyon sa Afghanistan kaya hindi ligtas para sa mga Pinoy ang manatili sa naturang bansa.

Paalala din ng DFA, patuloy ang pag-iral ng total deployment ban sa Afghanistan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *